Tumanggap ang ilang mga mangingisda ng cash aid o tulong pinansyal matapos ang isang townhall meeting na inorganisa ng San Miguel Corporation (SMC) kasama ang mga residenteng apektado ng sand mining nito sa Tanza, Lunes, Marso 20.
Namahagi ang SMC ng P5,000 buwanang cash aid sa 1,000 apektadong mangingisda o may-ari ng bangka bilang transitional support sa tagal ng operasyon ng kumpanya. Ang ilang mangingisda ay nagpahayag ng pagkabahala sa kakulangan ng pinansiyal na tulong, kung saan kanilang binanggit ang mga karagdagang gastos habang sila ay nakikipagsapalaran sa malayong bahagi ng karagatan upang makuha pa rin ang dating dami ng huli sa kanilang karaniwang pangisdaan.(go cavite)