Sagip tulong para sa 349 ALS learners

Bago matapos ang taon, ay nagbahagi po ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Dahlia Loyola ng Sagip Tulong para sa nasa 349 Learners ng Alternative Learning System o ALS sa City of Carmona. Sana po ay makatulong ang mga munting handog na ito sa inyong pagdiriwang ng Bagong Taon at sa inyong mga pangangailangan sa araw-araw. Hangad namin ang inyong patuloy na tagumpay at titiyakin namin na kami ay nakaagapay sa inyong pagtahak ng landas tungo sa inyong mga pangarap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *