Sa pagpasok ng bagong taon, bagong ginhawa rin po ang idudulot ng ipinatatayong Malagasang Flyover sa kahabaan ng Open Canal Road sa ilalim ng paglilingkod at pamumuno ni Cong. Adrian Jay Advincula at Mayor Alex AA Advincula. Sa proyektong ito, inaasahan po natin na maiibsan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa Malagasang at mga karatig-lugar nito. Ayon sa post sa facebook page ni Mayor Alex Advincula, “Makakaasa po kayo na patuloy po ang ating paglalaan ng sapat na pondo para sa mga proyektong pang-imprastraktura para sa kapakanan ng bawat Imuseño.”
Sa pagpasok ng bagong taon, bagong ginhawa rin po ang idudulot ng ipinatatayong Malagasang Flyover sa kahabaan ng Open Canal Road
