Sa ginanap na Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Rosario, Cavite noong Disyember 4 na pinangunahan ni Mayor Voltaire Ricafrente, Vice Mayor Bamm Gonzales, at mga konsehal ng bayan. Sa kanyang mensahe, masayang ibinalita ni Mayor Voltaire ang pagkakapili sa ating
munisipalidad bilang awardee ng Seal of Good Local Governance (SGLG)
ito ay bilang pagkilala sa katapatan at kahusayan ng pamamahalang lokal. Pinasalamatan ni Mayor Voltaire ang lahat ng nagtulong-tulong upang makamit ang pagkilalang ito. Pangako nya ang tuloy-tuloy na serbisyo
publiko para sa ikauunlad at ikaangat ng pamumuhay sa bayan ng Rosario.
Dumalo din ang iba’t ibang opisina kasama ang DILG, PNP, BFP, Comelec,
DepEd, mga Punong Barangay, at mga Pastor.(Municipality of Rosario
Cavite)