Relief Distribution at Pagtiyak sa Kalagayan ng mga Treceñong Apektado ng Bagyo

Ngayong araw, kasama po namin si Vice Mayor Bobby Montehermoso, Konsehal Poyi Buendia, Kon Jay-Em Cunanan at mga essential employees ng lungsod ay personal po naming dinalaw ang ilang evacuation centers upang kumustahin ang kalagayan ng ating mga kababayang lubos na naapektuhan ng masamang panahon. Kasabay nito ay namahagi rin tayo ng relief goods bilang agarang tugon sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Isinabay din natin ang pagbisita at pagpapaabot ng tulong para sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho at kabuhayan dahil sa epekto ng Bagyong Crising. Alam natin kung gaano kabigat ang dinaranas ng ilan sa ngayon, kaya’t sa maliit na paraan, sinisikap po nating maipadama ang suporta ng inyong Pamahalaang Lungsod ng Trece Martires.

Patuloy po kaming magseserbisyo ng may puso, may malasakit at may pagmamahal sa inyo, Treceños.

Be blessed,

Be a blessing!

Bagong Trece,

Puso ng Cavite,

Lungsod ng Pag Asa!

#GGBL

#GoodGovernanceforBetterLife

#ReliefDistribution

❤️MGBL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *