Kabilang ang
Philippine
S t a t i s t i c s Author –
ity Region IV-A sa pangunguna ni Regional
Director Charito C. Armonia sa mga ahensya
ng gobyerno na nakiisa
sa ginanap na Bagong
Pilipinas Serbisyo Fair
(BPSF) sa Sta. Cruz, Laguna noong Nobyembre
4 at 5, 2023.
Serbisyong pampubliko ang pangunahing naging tampok sa
dalawang araw na pagdiriwang. Ang PSA Region IV-A ay nakilahok
sa fair upang magbigay
serbisyo sa mga kukuha
ng Philippine National
ID at civil registry documents tulad ng birth,
marriage at death certificate at CENOMAR.
Kabilang din sa serbisyong ipinagkaloob sa
mamamayan ang pagbibigay ng payo sa mga
may problema sa PhilID
at birth certificate.
Ibinahagi ng PSA
sa mga naging kliyente
ang kahalagahan at benepisyo ng pagkakaroon ng PhilID o ePhilID sa mga transaksyon
sa gobyerno maging sa
mga pribadong tanggapan. Nagbigay diin ang
PSA sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng dokumentong sibil na ginagamit sa transakyon sa
pag-aapply ng passport,
pagkuha ng lisensya,
pag–avail ng social benefits at iba pa.
Sa unang araw ng
programa kasamang
dumalo ni Director Armonia si Assistant Secretary at Deputy National Statistician Minerva
Eloisa Esquivias para
mag award sa napiling
limang benepisyaryo
ng PhilSys Birth Registration Project o PBRAP
na nagmula sa bayan
ng Pangil, Laguna. Ang
5 benepisyaryo ay sina
Crezzanto Zuñiga, Mak
John Zuñiga, Prince
Wilson Javier, Mark
Joshua Imperial, Belen
Dalit Laberint at Robin
Abasula Fuentes. Sa kabuuan ng programa, 79
ang nakapag rehistro sa
Step 2 ng PhilSys Registration kung saan 10
sa mga ito ay nabigyan
din kaagad ng kopya ng
kanilang ePhilID, 111
ang naisyuhan na ePhilID, 19 ang nabigyan ng
libreng birth certificate
sa pamamagitan PBRAP
at 331 ang nag-apply ng
kopya ng civil registry
documents
Dumalo din sa pagdiriwang sina Chief
Administrative Officer
Wilma A. Villafuerte at
Registration Officer III
Juliedin B. Nohay ng
PSA RSSO IV-A at mga
kawani ng PSA Laguna na pinangunahan ni
Supervising Statistical
Specialist Marinela C.
Magcamit.
Ang BPSF na
isinagawa sa lalawigan
ng Laguna ay pinangunahan ng mga tanggapan nina Governor
Ramil Hernandez at
Congresswoman Ruth
Hernandez. Naging
pangunahing bisita sa
pagdiriwang sina Hon.
Antonio Lagdameo Jr,
Special Assistant to the
President at DOH Secretary Teodoro Herbosa.
Ang BPSF ay ang
pinakamalaking service
caravan sa bansa na naglalayong magbigay ng
mga pangunahing serbisyo ng gobyerno sa
mga mahihirap na Pilipino sa iba’t ibang komunidad sa buong bansa, na nagtatampok ng
mga flaghip program ng
gobyerno tulad ng Kadiwa ng Pangulo, Passport
on Wheels, driver’s license registration/assistance, at iba pa.