Ngayong araw, May 7, 2024, pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang naganap na pagpupulong sa pagitan ng ibaโt-ibang sangay ng gobyerno para talakayin ang Comprehensive Land Use Plan (CLUP) 2020-2030 at Zoning Ordinance (ZO) ng Lungsod ng Bacoor.
Sa pagtutulungan ng Office of Provincial Agriculturist Trece Martires, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), DPWH 3rd District – Trece Martires City, DTI, DOT, PENRO, Lasallian Community Development Center (LCDC) at ng DILG naging matagumpay ang pangwakas na pagsusuri dahil sa pagkakaisa ng Provincial Land Use Committee (PLUC) na gawin ang tama para sa ikabubuti ng mamamayang Bacooreรฑo.
Naging makabuluhan rin ang pag-uusap ni DILG Provincial Director Engr. Danilo A. Nobleza at Mayor Strike B. Revilla dahil mas maraming programa at proyekto ang maaring maibingay hindi lang sa Lungsod ng Bacoor maging sa lahat ng mamamayang Bacooreรฑo.
Ang Pamahalaang Lungsod naman sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, ay handa na makipag tulungan sa lahat ng ahensya ng gobyerno para mas maging maganda ang mga serbisyong pwedeng ibigay sa mga Bacooreรฑo.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!