Abot isang libong pamilya na naman ang napasaya ni Cong. Jolo Revilla dahil ang kanilang mga anak na nag-aaral grades 1-8 ay nakatanggap ng tig-dalawang libong piso bawat isa at ang mga grades 9-12 naman ay tumanggap ng tig-tatlong libong piso bawat isa. Ito ay sa ilalim ng ating programang Iskolar ng Bayan Scholarship Program para sa lahat ng mga Kabataang Caviteño na nag-aaral sa mga pampublikong paaralan.
Lahat ng mga estudyanteng Kawiteño ay hindi natin palalagpasin. Kaya namin aking ini-anunsiyo na din kaninang umaga na basta nakatira kayo sa Unang Distrito at ang inyong mga anak ay nag-aaral sa kalapit bayan natin, ipapasok din nating bilang Iskolar ng Bayan.
Sa pagtutulungan ng Team Revilla sa Unang Distrito sa pangunguna ni Senator Ramon Bong Revilla, Jr. kasama ang Agimat Partylist ay magpapatuloy ang ating Iskolar ng Bayan hanggang sa maka-graduate ang inyong mga anak.