PNP PRO 4A 32nd Foundation Day,
ipinagdiwang sa Calamba City

CALAMBA CITY,Laguna– Kinila- la ni GobernadorRamil Hernandez ang hanay ng kapulisan sa pagdiriwang ng PNP PRO 4A 32nd Foundation Day na may temang“Patuloy na SerbisyongPubliko, Handog ng Pambansang Kapulisan na may Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan Tungo sa Kaunlaran
ng ating Bayan” na ginanap sa Camp BGen Vicente P Lim noong Pebrero 06, 2023sa lungsod na ito. Nanguna si Gob.Ramil sa pag-aalay ng bulaklak sa mga yumaong pulis dahil inalay nila ang kanilang buhaypara sa kapakanan ng nakararami. Pinurinaman ng gobernadorang PNP dahil sa mga ginagawang agarang tulong sa kalamidad tulad ng bagyo,lindol, sakuna, pagpapanatili ng kaayusan sa mga lansangan,at sa mabilis na pagresponde at pag resolba sa mg akrimen. Tampok din sa pagdiriwang ang pagbibigay ng plake ng pagkilala kay Gobernador Ramil Hernandez para sa walang sawang pagsuporta nito sa programa at mabuting adhikain ng PNP Region 4A, na iginawad ni Regional Director Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez, Jr. (JonnaCoroza, photo by Jun Sapungan/Laguna P10)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *