PNP CAVITE MARITIME POLICE STATION, NAGSAGAWA NG MALAWAKANG OPERASYON LABAN SA MGA ILIGAL NANANGINGISDA SA KARAGATAN NG CAVITE

Ang mga tauhan ng Cavite Maritime Police Station sa pamumuno ng bagong Hepe na si POLICE MAJOR JOSHUA OLIVARES ABOGA, ay nagsagawa ngmalawakang operasyon laban sa mga iligal na pangingisda sa karagatangnasasakupan ng Cavite. Ang nasabing operasyon ay may kaugnayan sa mandato ngPNP Maritime Group na paigtingin ang kampanya ng โ€œAll Hand! Full Ahead!โ€ (One TimeBig Time). Sa buwan ng Pebrero taong kasalukuyan, ang PNP Cavite MARPSTA ay nakaintercept ng sampung (10) bangka at dalamput-tatlong (23) katao ang naaresto lulan ngmga nasabing banca habang ang mga ito ay nagsasagawa ng aktwal na iligal napamamaraan o proseso ng pangingisda sa karagatang nasasakupan ng Cavite City. Ito ay paglabag sa nakasaad sa batas na RA 10654, Section 95, (Use of Active Gear in Municipal Waters, Bays, and Other Fishery Management Areas), Violation of Section 93(Use of Fine Mesh Net) at Violation of Tanza Municipal Ordinance No. 09-2009, Section4 (No Registration). At isa sa mga adhikain ng bagong Hepe ng nasabing estasyon ay pa-igtingin angpag-papatupad ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 305 (Executive Order 305 โ€“ The LGU shall require the applicant to secure a clearance from the PNP Maritime Office inthe LGU or in its absence, the Local PNP, certifying that the Fishing Vessel is not involved in any criminal offense) sa pag suporta ng LGUs ng mga sumusunod na siyam(9) na Bayan sa Probinsya ng Cavite na nasasakupan ng naturang estasyon: Bacoor City, Kawit, Noveleta, Cavite City, Rosario, Tanza, Naic, Ternate at Maragondon.
Ang Cavite Maritime Police Station sa pamumuno ni PMAJ JOSHUA OLIVARES ABOGA ay nakatuon ang atensyon para masugpo at mapigilan ang ibaโ€™tibang iligal na gawain sa lalawigan ng Cavite, at naniniwala na mapupuksa ang lahat ngiregularidad kapag ipinagpatuloy ang dedikasyon at sipag sa pagpapatupad ng batas katuwang ang tulong ng mga mamayan ng Cavite. Ito ay pagnanais na makamit ang isang tahimik, maunlad at progresibong komunidad para sa henerasyon pang darating. (MARGIE BAUTISTA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Have Missed!

3 Minutes
National News Provincial News
Experience Adrenaline-Fueled Activities in Cavite with MPT South
1 Minute
Provincial News
๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐š๐ญ๐š, ๐ฌ๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐จ ๐ฌ๐š ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐ž๐ง ๐€๐๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ ๐ง๐  ๐ˆ๐ฆ๐ฎ๐ฌ ๐‹๐†๐”
1 Minute
National News
๐๐๐๐Œ ๐ฌ๐ข๐ ๐ง๐ฌ ๐ฅ๐š๐ฐ๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐›๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐  ๐ž๐ฏ๐š๐œ๐ฎ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐œ๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ฌ, ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ ๐ฅ๐จ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ฒ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ฆ๐จ๐ซ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ฎ๐ฆ
0 Minutes
Provincial News
๐—™๐—œ๐—ฅ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก ๐—–๐—”๐—ฉ๐—œ๐—ง๐—˜ โ€“ ๐—œ๐— ๐—จ๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—ก๐—”๐—œ๐—” ๐—ฃ๐Ÿฎ๐—ฃ ๐—•๐—จ๐—ฆ ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜