Sa inilaabas na ordinansa sa lungsod ng Bacoor mula 73 na barangay, magiging 49 na barangay na lamang ito matapos ang isasagawang plebisito sa nasabing lungsod sa darating na July 29,2023.
Sa naganap na First Bacoor City Plebiscite Joint Security Command na dinaluhan ng mga matataas na opisyal mula sa LGU Government, Philippine National Police (PNP) at Commission on Election (Comelec).
Alinsunod sa City Ordinance No. 275-2023 series of 2023, pagsama-samahin ang mga barangay upang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo at pamamahala sa kanilang komunidad kung saan 49 na barangay ang mapapabilang sa nalalapit na merging.
Sa ibinigay na paliwanag Bacoor City Mayor STRIKE REVILLA na mahalaga ang merging ng mga Barangay upang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo at matiyak na ang lahat ng residente ay makakatanggap ng pantay pantay na oportunidad at access sa mga resources layunin naman ng barangay merging na mapalakas ang pamamahala at proseso ng paggawa ng desisyon
Ayon naman kay Comelec Chairman George Erwin Garcia na LGU ng Bacoor City ang gumastosastos ng dahil sila ang component ng nasabing Plebesito at Tinatayang may 114,418 ang Barangay Registered voters.
Sa pakikipanayam naman kay Cavite Provincial Director PCol Christopher F Olazo na “all system go” at nakahanda ang kapulisan na maging maayos ang seguridad sa nasabing halalan.(MARGIE BAUTISTA)