PINAGLARUAN BALA NG SHOTGUN SUMABOG, 11 ANYOS NA LALAKI SUGATAN

Ginagamot ngayon ang isang 11-anyos na binatilyo makaaraang nasabugan sa mukha ng pulbura ng shotgun na kanyang pinaglaruan sa Brgy Cabuco sa Trece Martires City, Cavite Kasalukuyang Inoobserbahan pa sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktima dahil tinamo nitong sa sugat sa kanyang mukha Sa ulat ni PSSgt Larz salem Celestino ng Trece Martires City Police,Dakong alas 12:39 ng tanghali ng nakita ng biktima at kaibigan nito ang isang bala ng shotgun sa isang basurahan sa Happy Homes Brgy Cabuco, ng nasabing lugar kung kaya pinulot nila ito at pinaglaruan. Pinagpasahan ang nasabing bala ng shotgun hanggang sa tumama umano ang firing pin nito sa isang bato dahilan upang sumabog hanggang sa tinamaan sa mukha ang binatilyo nna naging dahilan ng pagkakasugat nito.(MARGIE BAUTISTA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *