PARA SA IISANG LAYUNIN, PARA SA ISANG DIREKSYONG PANALO ANG CALAMBEÑOS

Pinatitibay natin ang ugnayan ng National Government at Local Government sa pamamagitan ng sama-samang talakayan kasama ang ating mga katuwang sa paglilingkod—Congresswoman Cha Hernandez, Vice Mayor Totie Lazaro, ang inyong lingkod, Mayor Ross Rizal, at ang ilan sa mga miyembro ng Executive Committee.

Tinalakay sa pulong ang mga umiiral na proyektong pangkaunlaran ng ating lungsod tulad ng bypass roads, drainage systems, road repair at road widening, pati na rin ang iba’t ibang imprastraktura na layong mapabuti ang daloy ng trapiko at kalidad ng pamumuhay ng ating mga kababayan.

Kasama rin sa napag-usapan ang mga nakatakdang future development projects na magsisilbing pundasyon ng mas maunlad, mas ligtas, at mas progresibong lungsod para sa lahat. Sama-sama, tuloy-tuloy ang serbisyo para sa ating mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *