Libu-libong senior citizen sa lungsod ng Bacoor ang tumanggap ng pamaskong handog sa ilalim ng programang ‘Kalinga para sa Matatanda’ ng pamahalaang lungsod ng Bacoor, ito ay Pamaskong Handog mula kay Mayor Strike B. Revilla kasama sa pamamahagi si Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola.
Katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at Office of the Senior Citizen Association (OSCA), matagumpay na naipamahagi ang mga pamaskong handog para sa mga senior citizens.
Bukod dito, mayroon ding inihandang mga palaro, sayawan, at raffle prizes para sa mga benepisyaryo.