Paleng-QR PHProgram SA CARMONA

Sa pangunguna ng ating Office of the Municipal Treasurer ay isinagawa natin ngayong araw ang Paleng QR PH Program na dinaluhan ng nasa 150 na business owners, TODA drivers, at mga tindera sa palengke. Maraming salamat kina Mr. Keith Eduard S. Hidalgo at Ms. Karel Saskia B. Odiver ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nagsilbi bilang ating mga resource Persons sa nasabing orientation. Ang Paleng-QR PH Program ay isang program dinevelop ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Department of the Interior and Local Government (DILG) na naglalayong bumuo ng digital payments ecosystem sa ating bansa sa pamamagitan ng cashless payments sa ating mga palengke at mga pampublikong transportasyon gaya ng mga tricycle.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *