Isang araw ng halakhakan, pawis, at tunay na pagkakaisa ng mga TreceΓ±o! ![]()
Sa gitna ng init ng araw, nagtagisan ng lakas, bilis, at diskarte ang ating mga barangay sa mga larong Kadang-kadang, Hilahang Lubid, Karera sa Sako, Palosebo, Habulang Biik, at Gagamboxing!
Ngunit higit sa lahat, naging makulay at makahulugan ang palaro dahil sa aktibong partisipasyon ng ating kababaihan sa Habulang Biik at ng LGBTQIA+ community sa masayang Gagamboxing!
Isang paalala na sa Bagong Trece, ang lakas, talento, at saya ay para sa lahat anuman po ang ating kasarian, edad, o kakayahan.
Congratulations sa ating mga kampeon:
Champion β Barangay Lallana
1st Place β Barangay Gregorio
2nd Place β Barangay Cabuco
Maraming salamat sa lahat ng lumahok, sumuporta, nagorganisa at nagbigay-buhay sa ating Palarong Pinoy 2025 kung saan ang mga manlalaro ay walang talo dahil sa bawat tawa, bawat sigaw ng suporta, at bawat patak ng pawis, tunay na makikita ang diwa ng bayanihan at pagmamahalan ng mga TreceΓ±o! ![]()
![]()
Be blessed,
Be a blessing!
Bagong Trece,
Puso ng Cavite,
Lungsod ng Pag Asa!
MGBL
