Inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang dalawang bagong batas na Republic Act 12007 at Republic Act 12008 noong Martes, Hunyo 13.
Ang mga batas ay nagtatatag ng Progressive Elementary School sa Barangay Molino 2, Bacoor at Progressive Senior High School sa Barangay Bayanan, Bacoor.
Inatasan si Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na isama agad sa programa ng kagawaran ang pamamahala sa dalawang itinatag na paaralan sa Bacoor, Cavite.
Source: Philippine Information Agency