Mayo 16, 2024 nang isagawa ang Ground Breaking Ceremony nang ipatatayong tertiary hospital sa bayan ng Bay, Laguna.
Marso 9, 2021 nang idulog ni 2nd District Congresswoman Hon. Ruth Mariano-Hernandez sa Kongreso ang panukalang pagpapatayo ng Laguna Regional Hospital. Ito ay kanyang isinulong upang ilapit sa kanyang mga kababayan ang maayos na serbisyong medikal.
Disyembre 12, 2023 naganap ang ikatlong pagbasa sa Kongreso ang Panukalang Batas ( House Bill) 9623. Kasunod nito, ang Pamahalaan Panlalawigan ng Laguna ay nagsagawa ng pagpirma ng Deed of Donation sa Department of Health (DOH) na nasa mahigit dalawang ektaryang lupa sa Brgy. Puypuy, Bay, Laguna.
Tinalakay naman noong March 12, 2024 sa Public Hearing ng Senate Committee on Health and Demography ang importansya ng pagkakaroon ng isang Level 3 General Hospital sa lalawigan na maisasakatuparan sa pagsasabatas ng House Bill 9623 ni Cong. Ruth Mariano-Hernandez.
Dinaluhan ang Ground Breaking Ceremony sa pangunguna ni Governor Ramil L. Hernandez, Vice-Governor Atty. Karen Agapay, Atty. Dulce Rebanal-Provincial Administrator, Mr. Christopher Sanji-Provincial Information Officer, mga city at municipal Mayors at mga kawani ng Department of Health.photo/caption: Marra Villegas