Pagpapatayo ng bagong mcdo bahay bulilit, pinasiyahan

Sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, pinasinayaan ang pagpapatayo ng bagong Ronald McDonald Bahay Bulilit Learning Center sa ACM Village, Brgy. Alapan 1-A noong Biyernes, Mayo 5, 2023.

Nakasama rin dito ang Managing Director ng McDonald’s Philippines at Vice President ng Ronald McDonald House Charities of the Philippines, Inc. (RMHC) na si Ms. Margot Torres at iba pang mga kawani.

Dinaluhan din ito nina Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula, City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, City Social Welfare and Development Office’s Officer-in-charge (OIC) Josephine G. Villanueva, City Administrator Tito Monzon, Special Assistant to the Mayor Jeff Purisima, City Information Office’s OIC Ervin Ace Navarette, City of Imus Tourism and Heritage Office’s OIC Dr. Jun Paredes, Youth Affairs Office’s OIC Jericho Reyes, City Engineering Officer Engr. Chris Sarno, Kap. Jeffrey Aman, at mga kagawad ng Brgy. Alapan 1-A.

Matatandaang binuksan sa mga batang Imuseño ang kauna-unahang McDo Bahay Bulilit noong 2019 sa Brgy. Malagasang 1-G.

Ang McDo Bahay Bulilit ay isa sa mga programa ng RMHC para sa pagkatuto ng mga batang kabilang sa low-income families.(City Government of Imus)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *