Timbog sa
isang ope r a s y o n
ng anti-narcotics ang apat na
drug suspects matapos
mahulihan ng P289,000
na halaga ng shabu nitong Thursday, July 20,
2023.
Hinuli ng mga operatiba ng Bacoor City
drug enforcement unit
ang mga suspek na sina
Mark Vincent Constantino at Ma. Lolita Gardon
sa isang buy-bust operation sa Barangay Zapote
5, bandang 5:15 AM.
Kinilalang high value targets ang mga suspek at natagpuang may
bitbit na limang sachet
ng methampetamine
na nagkakahalaga ng
P172,500 ayon sa Dangerous Drugs Board
(DDB).
Nahulihan din ng
mga operatiba ang dalawang suspek ng isang
mobile phone na maaaring magbigay ng impormasyon ukol sa iba pang
drug transactions.
Timbog rin sa operasyon ng parehas na
team ang isang Pedvee
Alcoba na drug pusher
sa parehas na lungsod
at nahulihan ito ng dalawang sachet ng shabu
na nagkakahalaga ng
P47,600 at isang .38 kalibre na baril.
Sa Imus City naman,
inaresto ng mga awtoridad bandang 7:30 PM
ang isang Keith Merwin
Olivarez matapos magbenta ng shabu sa isang
poseur buyer sa Barangay Malagasang 1F.
Natagpuan ang
suspek na may tatlong sachet ng meth na
umaabot sa halagang
P69,000.
Lahat ng mga nahuling suspek ay haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive
Dangerous Drugs Act
of 2002 at illegal possession of firearms.(GO
CAVITE)
