Nasa P19 bilyon halaga ng hinihinalang droga ang sinunog sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy Aguado, Trece Martires City.
Ang naturang mga droga ay kabilang sa mga iba’t-ibang drug evidence na nakumpiska mula sa mga drug operations na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at kanilang mga counterparts na law enforcement at military units.
Sinunog o tinunaw sa pamamagitan ng thermal decomposition ang kabuuang 3.7 tons o 3,746,081,07 gramo kabilang ang 2,715,4251 gramo ng methamphetamine hydrochloride shabu na nagkakahalaga ng P18, 463,029,690.54; Marijuana na 306,787,0243 gramo na nagkakahalaga ng P36,814,442,02; Cocaine na 407,7200 gramo o P2,160,916,00; Ecstasy na 340,8424 gramo o P1,353,813.27; Diazepam na 15,6000 gramo o P604.50; Nitrazepam na 10823 gramo omP23,00; Meth + Caffene na 7,2429; Ketamine na 12,2024 gramo o P47,569.36; Ephedrine na 668,9188680 gramo ; MDA na 704,3800 gramo; MDA na 7043800 gramo Meth + MDMA na 95,6000; Psilocin na 13,1555 gramo; N-Dimethylamphetamine na 33,625,9300 gramo; Meth HCI na 716,500,000 milliliters; GBL na 252,0000 milliliters o P374,850.00; Ephedrine+Meth HCI na 40,000,0000 milliliters; Liquid Marijuana na 107,00 milliters at Surrendered expired medicine na 20,000.00 milliliters o kabuuan na P19.9 bilyon.
Ang Thermal Decomposition, o thermolysis, ang isang proseso kung saan sinusunog ang mga ito na may 1,000 degrees centigrade na init nito.
Ang pagsira sa mga iba’t-ibang Uri ng droga ay pagsunod sa ipinapatupad na panuntunan sa kustodiya at pagtatapon sa mga nakumpiskang mga droga na nakasaad sa Section 21, Article II of Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, and Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002. (MARGIE BAUTISTA)