OPERATION HOPE MEDICAL MISSION!

BACOOR CITY | Masayang ngiti at bagong pag-asa ang hatid ng lokal na pamahalaan ng Bacoor, Philippine American Group of Educators and Surgeons (PAGES) at Bacoor City Health Office (CHO) para sa mga Bacooreรฑong mayroong cleft lip, cleft palate at facial deformities.

Tinatawag na โ€œOperation Hopeโ€ ang programa na layong isailalim sa operasyon ang ilang mga mamamayan na nangangailangan nito.

Kamakailan lamang ay personal na binisita ni Mayor Strike B. Revilla ang ilang mga benepisyaryo ng programa sa Southern Tagalog Regional Hospital (STRH) upang matuloy ang kanilang kasalukuyang kondisyon.

Magtatagal naman ang Operation Hope hanggang Pebrero 10, inaabisuhan ang mga residente na mayroong katanungan ukol sa programa na makipag-ugnayan sa Bacoor City Health Office sa numerong (046) 453 3420 para sa iba pang mga detalye.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *