Dinaluhan ni Mayor Dr. Dahlia A. Loyola ang schedule ng Submission of Requirements para sa mga QUALIFIED BENEFICIARIES ng ating One-Time Educational Assistance for College Students. Akin pong ikinagagalak na makita at makausap ang mga Kabataang Carmona na nagsusumikap sa kanilang pag-aaral para sa kanilang ikauunlad.
Hangad namin na makatulong ang munting handog na inyong matatanggap mula sa Lokal na Pamahalaan ng Carmona para sa inyong mga pangangailangan sa pag-aaral. Asahan niyo po na atin pang mas palalakasin ang mga programa sa sektor ng edukasyon para sa pagtupad ng inyong mga pangarap. Mabuhay ang mga Iskolar ng Carmona!(Mayor Dahlia Layola fb page)
