OBRERO, WANTEDSA TINANGAY P80K

Kasalukuyang pinagha- hanap ng Cavite PNP ang isang dating construction worker ng Sula Gas makaraan nitong tangsyin ang tinatayang P80,000 cash sa Brgy Bating Dalig, Kawit, Cavite Base sa footage ng Closed Circuit Television (CCTV) nakilala ang suspek na si Antonio Orozco, 28, may live-in partner, tubong Quezon Province, dating mason at stay in worker sa Sula Gas Barracks na sa nasabing lugar. Ayon sa eklamo ni Wenceslao Kitz Caimol Paredes, 39, isa sa mga stock holder ng Sula Gas, sa istasyon ng pulisya, na nakita nila sa footage ng CCTV, pumasok ang suspek sa roof flashing sa likurang bahagi ng Sula Gas Corp sa pamamagitan ng pagputol dito dakong alas-1:15 noong Linggo ng madaling araw. Nang nakapasok nasa kisame, gumapang ito hanggang sa nakarating sa exhaust ventilation sa tanggapan ng Manager at doon naghalungkat at tinangay ang halagabg P80,000. 00 cash. Batay sa CCTV Lumabas ito sa likurang bahagi ng pintuan ng nasabing gusali tangay nasabing ang pera. Ganap na alas 5:00 na ng hapon Ini-report sa pulisya ng pamunuan ng Sula Gas ang nasabing insidente. (MARGIE BAUTISTA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *