NAMARIL SA LOOB NG OPISINA, PINAGHAHANAP

Kasalukuyang tinutugis
ngayon ng pulisya ang
isang di nakilalang lalaki
na bumaril at pumatay
sa isang 41-anyos na lalaki sa loob ng opisina
habang paakyat sa hagdanan sa Rosario, Cavite.
Ayon sa report, Kinilala ang biktina na namatay na si Renerson
Faller ng Trece Martires
Cavite dahil sa tama ng
bala sa ulo.
Base sa ginawng Pag
iimbestiga, napag alaman na nakasuot ng face
mask, maong pants, itim
na jacket ang suspek na
may hawak na light green
na payong na kaagad na
tumakas matapos ang
pamamaril.
Sa ulat, dakong alas9:16 ng umaga nang naganap ang insidente sa
loob ng isang opisina sa
VCM Building., Barangay
Tejeros Convention, Rosario, Cavite kung saan
paakyat ang biktima
sa hagdanan at kaagad
itong binaril ng suspek
sa ulo.
Matapos ang pamamaril ay tumakas ang
suspek BITBIT ang
Baril ginamit sa pamamaslang.
Kasalukuyan umanong nirebyu ang footage Close Circuit television (CCTV) para sa
pagkakakilanlan sa suspek habang patuloy ang
isinasagawang dragnet
operation ng pulisya..
MARGIE BAUTISTA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *