Namahagi ulit ang si Cong. AJ Advincula ng medical at burial assistance sa mga kababayan natin sa Imus Sports Complex kasama sina Mayor Alex “AA” Advincula, Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
629 na Imuseño po ang nabigyan natin ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng pondo mula sa DSWD. Masaya rin pong ibinalita ni Cong. AJ ang ilan sa mga proyekto at programang ating sinimulan para makatulong sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
Makakaasa po kayo na sa pamamagitan ng ating buong-pusong serbisyo, tuloy-tuloy ang pag-unlad at pag-angat ng bawat Imuseño.\