Nakiisa si Mayor Alex Advincula sa panunumpa ng ating City Government of Imus Employees Multipurpose Cooperative sa ating tanggapan. Ang pangunahing layunin po nito ay ang makatulong sa mga miyembro at mamamayan sa pamamagitan ng pagiging aktibo nila sa pagtulong sa mga komunidad dito sa Imus. Kasabay po nito ay atin din pong pinaalalahanan ang mga bagong opisyal ng kahalagahan ng kani-kanilang mga posisyon sa nasabing kooperatiba sa ating lungsod. Binabati ko po ang mga bagong nanunungkulan sa ating kooperatiba. Hangad ko po ang maayos at tapat ninyong pagsesrbisyo sa inyong sinumpaang tungkulin.