Tagumpay na naisagawa ng City Government of Trece Martires at ng Vision 3000 builders ang Memorandum of Agreement, ang unang hakbang para tuluyang maisakatuparan ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program o ang tinatawag nating 4PH Program ng ating Pangulo ng Republika, katuwang ang Human Settlement and Urban Development (DSHUD) Department. Ang proyektong pambansang pabahay ay nakapailalim sa Pag-Ibig Fund or (HDMF) Home Development Mutual Fund na itatayo sa Brgy. Inocencio, Trece Martires City. Hangad ng City Government of Trece Martires sa pangunguna ni Mayor Gemma Buendia Lubigan kasama si Vice Mayor Bobby Montehermoso at ang buong miyembro ng 11th Sangguniang Panlungsod katulong ang Local Housing Trece ang maayos, mura, at ligtas na kabahayan para sa lahat ng mamamayang Treceรฑos.
(City Government ofTrece Martires)
MOA Signing Ceremonyfor 4PH MGBL Residences
