KALABOSO ang binagsakan
ng tatlong hinihinalang tulak,
kabilang ang isang miyembro ng Castillo Drug
Group nang naaresto
at nasamsamn ng tinatayang nasa P200K halaga ng illegal na DROGA
sa isinagawang buy bust
operation sa magkakahiwalay na lugar sa
lalawigan ng Cavite.
Ayon sa report, Kinilala ang mga suspek
na si alyas ‘Gerry’ na miyembro ng Castillo Drug
Group at nasa listahan
ng High Value Individual (HVI), alyas ‘Noli’ at
alyas ‘Federico’, pawang
nasa wastong edad at
nasa listahan ng Street
Level Individual (SLI)
Kasabay nito dakong alas-3:20 ng
hapon nang nagsagawa
ng buy bust operation
ang Drug Enforcement
Unit (DEU) ng Kawit
Municipal Police Station
sa Brgy Gahak, Kawit,
Cavite na nagresulta sa
pagkakaaresto kay alyas
‘Gerry’ na nasa listahan
ng High Value Individual (HVI) at miyembro ng
Castillo Drug Group na
nag-ooperate sa lalawigan ng Cavite.
Nakumpiska sa Pag
iingat ni alyas ‘Gerry’ ang tinatayang 0.8
gramo ng shabu na may
street value na P4,080 at
buy bust money.
Nasa 15 gramo
naman ng hinihinalang
shabu o halagang
P103,500 ang nasamsam kay alyas ‘Noli’,
nasa listahan ng Street
Level Individual (SLI)
nang nagsagawa ng buy
bust operation ang mga
operatiba ng General
Mariano Alvarez (GMA)
Police Station dakong
alas-12:15 kahapon ng
madaling araw sa Brgy
Poblacion, GMA, Cavite
Kasunod sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba
ng GMA Police Station sa
Brgy Poblacion ng nasabing bayan dakong alas12:50 ng madaling araw
na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas ‘Federico’ at nasamsam ang
tinatayang 7.50 gramo
ng shabu na may street
value na P51,750.
Base sa buybust
operation ng isinagawa
ng Cavite Police, Tinatayang nasa P159,330
ang halaga ng shabu sa
ang nakumpiska tatlong
operasyon ng mga ito.
MARGIE BAUTISTA