Pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba, sa pangunguna ng City Agricultural Services Department na pinamumunuan ni Ms. Ruby Arenas, ang mga natatangiing Calambeño mula sa sektor ng Agrikultura sa Gawad Bayani sa Agri 2023. Ang programa ay ginanap noong Biyernes, November 17, 2023. Ito ay may temang: Pusong Bayaning Nagpapasigla sa Sektor ng Pangisdaan at Agrikultura.
Pinangunahan ni Calamba City Mayor Roseller “Ross” H. Rizal ang pagbibigay ng mga parangal at cash incentives para sa mga nagwagi. Binigyang-diin niya sa kanyang talumpati ang kahalagahaan ng mga magsasaka, mangingisda, at mag-aalaga ng hayop sa ekonomiya ng lungsod. Pinahayag naman ni Vice Mayor Angelito “Totie” S. Lazaro Jr. ang tuloy-tuloy na suporta ng Sangguniang Panlungsod ng Calamba sa pamamagitan ng pag-gawa at pag-pasa ng mga lehislaturang magpapaunlad sa sektor. Samantala, si Committee Chair on Agriculture Moises E. Morales ay nagbigay ng mensahe tungkol sa pagpapaigting ng mga proyektong makakatulong sa mga nasa sektor. Nagbigay rin ng mensahe ng suporta ang kinatawan ni Calamba Lone District Representative Charisse Anne Hernandez-Alcantara. (Calamba City lipeso/MARRA VILLEGAS)