Medical Mission, “Para sa Maayos na Kalusugan ni Loloat Lola” sa Strike Gymnasium

Pinaunlakan ng ating City Government of Bacoor sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla ang ginanap na Medical Mission, “Para sa Maayos na Kalusugan ni Lolo at Lola” sa Strike Gymnasium katuwang ang OSCA sa pangunguna ni Atty. Venus De Castro, City Health Office sa pangunguna ni Dra. Ivy Yrastorza at ng Hope in Me Club sa pamumuno ni Dr. Tina Alberto.

Higit nasa isang libo na Lolo at Lola ang nakatanggap ng libreng Serbisyo, kung saan nasa 177 ang nakapag palibreng Acupuncture, 90 Bone Scan, 269 Laboratory Exam, 34 Physical Therapy, 703 Anti-Pneumonia Vaccination, 124 Eye Check-Up, 165 Health Check-Up at may mga libreng gamot pa.

Ang proyektong ito ay hindi magiging matagumpay kung wala rin ang ating mga volunteers na mula sa ating City Health Office staffs, Dra. Ann Morante at Medical Clerks at Interns na mula sa Perpetual Help Las Piñas. Taos pusong nagpapasalamat ang Lungsod ng Bacoor sa mga nag-organisa, nagboluntaryo at tumangkilik sa Medical Mission na ito.  Dahil sa Bacoor, prayoridad natin na magkapagbigay ng magandang serbisyo at pangangalaga para sa ating katawan at karamdaman. (City Government of Bacoor)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *