Calamba City, Laguna โ Nakibahagi si Mayor Roseller H. Rizal sa pag-alala sa ika-138 anibersaryo ng kapanganakan ni BGen. Vicente Lim, isa sa mga kinikilalang bayani at ipinagmamalaking anak ng lungsod ng Calamba.
Sa nasabing paggunita, binigyang-diin ang mahalagang ambag ni Lim sa kasaysayan ng bansa bilang isang matapang na pinuno ng militar at simbolo ng tunay na pagmamahal sa bayan. Kinilala rin ang kanyang kabayanihan at sakripisyong nagsilbing inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino.
Ayon kay Mayor Ross Rizal, “Ang buhay at mga ipinaglaban ni Lim ay patunay ng walang pag-iimbot na paglilingkod sa bayanโisang halimbawa ng disiplina, integridad, at katatagan sa gitna ng mga pagsubok ng bansa. Ang kanyang pamana ay patuloy na nagbibigay-aral sa mga mamamayan, lalo na sa kabataan, upang yakapin ang diwa ng pagkakaisa at makabayang pananagutan.” wika ni Rizal.
Hinimok din ang mga Calambeรฑo na patuloy na alalahanin at ipagmalaki ang mga bayani ng lungsod, habang sama-samang nagsisikap tungo sa patuloy na pag-unlad ng komunidad at ng buong bansa.
