Maternal and Child Healthcare Seminar sa Bayan ng Naic naging Makabuluhan!

Sa pangunguna ni Yorme Rommel Magbitang at sa tulong ni Senator Pia Cayetano, matagumpay na idinaos ang Maternal and Child Healthcare Seminar sa Bayan ng Naic na layuning magbigay-kaalaman sa mga ina, barangay health workers, at medical frontliners tungkol sa kalusugan ng ina at bata, at sa pangkalahatang public health safety. Nitong Miyerkules, October 22, 2025 sa Naic Covered Court.

kasama sina Konsitorney Ryan “Wakay” Flores at Konsehal Rod Castillo, bilang patunay ng kanilang buong-suportang serbisyo para sa bawat Naicqueño.

Nagpahayag ng pasasalamat si Yorme Rommel Magbitang kay Senator Pia Cayetano sa kanyang walang-sawang pagtulong at suporta sa mga programang pangkalusugan sa Bayan ng Naic. Nagpasalamat din siya sa lahat ng barangay health workers na patuloy na naglilingkod para sa kalusugan ng bawat pamilya.

Nagbigay naman ng makabuluhang talakayan si Dra. Vivian Eustaquio, na tinalakay ang mahahalagang kaalaman patungkol sa maternal and child healthcare, at kung paano mapanatiling ligtas at malusog ang mga ina at mga bata sa bayan ng Naic.

Dahil sa pagkakaisa ng lokal na pamahalaan, mga opisyal, at mga tagapagtaguyod ng kalusugan — patuloy nating pinapatunayan na sa Bayan ng Naic, posible ang malusog na komunidad para sa bawat Naicqueño.

#LetsSaveNaicParaSaBatangNaic

#MayorRommelMagbitang

#NaicPosible

#MaternalandChildHealthcareSeminar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *