MAMAHALING MOTOR TINANGAYMATAPOS I-TEST DRIVE

Isang biktima na natangayan ng second hand na motorsiklo
makaraang itezxt drive
ay tuluyan na itong pinatakbo papapalayo sa
Brgy San Antonio Cavite
City.
Ayon sa sa reklamo
ng biktima na si Fernando Salazar Barron,
50, may-asawa , isang
negosyante ng 115 Lino
Barron St., Barangay
50, San Antonio, Cavite
City na nakilala lamang
nito ang suspek sa pamamagitan ng Facebook
Messenger kung saan
nakikipag-transaksyon
ito na bibilhin niya ang
isang kulay itim na Harley Davidson Softail na
may plate number na
807 UDC
Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang suspek
na Kinilala sa alyas Beboy Sugpo, nakasuot ng
kulay puti na may stripe
na Orlando Baseball jersy na may itim na sando,
maong pants, itim na
sapatos at naka-military
haircut.
Nagkasundo umano
ang dalawa na magkikita dakong alas-3:44
ng hapon sa bahay ng
kanyang brother-in law
sa Cabanela St., Brgy 50 ,
San Antonio, Cavite City
kung saan sinabi ng suspek na i-test drive niya
muna ito.
Kaya lang, pagsampa ng suspek sa motorsiklo, pinaharurot
nito sa direksyon ng
Noveleta, Cavite at hindi
na ito ibinalik pa.
Sa page ng Motodeal, ang presyo ng Harley Davidson Softail sa
Pilipinas ay nagsisimula sa Php1,200,00

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *