MAG LIVE IN PARTNER PATAY SA AKSIDENTE, 1 PA SUGATAN

Isang rider ng motorsiklo at ang angkas na live in partner nito ang namatay habang Isa ang sugatan makaaraang bumangga sa Isang kotse Honda Civic Sedan na una niyang nakabanggaan saka muling bumangga sa isang Toyota Corolla sa kahabaan ng Aguinaldo Highway Brgy Bayan Luma VIi, Imus City, Cavite. Ayon sa report ng pulisya ,Dead on the spot ang driver ng motorsiklo na si Rolando Villaflor Hugo Jr, 42, habang sa Ospital ng Imus isinugod si Vernadeth Palermo Soliman, 52, umanoy live in partner kapwa residente ng Sabang Dasmariรฑas City, Cavite na idineklara din dead on arrival dahil sa tinamong sugat sa katawan. Kasunod nito isinugod naman sa Our Lady of Pilar Hospital si Carlo Del Rio Abrenica, 33, driver ng Honda Civic Sedan, na may plakang WLB453, na residente ng Brgy Bucandala IV Imus City, Cavite dahil sa aksidente. Nakilala naman ang driver ng Toyota Corolla Sedan, na may plakang. PLT674 na si Eric Olaes Vileta, 42 ng 891 Bayan Luma Imus City, Cavite. Sa ginawang imbestigasyon ni PSSG John Carlo C Punzalan ng Imus CPS, dakong alas 5:20 ng umaga nang naganap ang incident sa kahabaan ng Aguinaldo Highway Bayan Luma VII Imus City, Cavite kung saan minamaneho ng biktma ang kanyang motorsiklo na Honda at angkas nito ang kanyang live-in partner na si Soliman ang outer lane ng Aguinaldo Highway patungo sa direksyon ng Dasmarinas City nang nakabanggan nito ang Honda Civic Sedan ni minamaneho ni Abrenica na binabagtas naman ang shoulder lane sa nasabing kalsada, Dahil sa nasabing insidente, bumangga ang Honda Civic Sedan sa poste ng Meralco habang ang motorsiklo ay bumangga naman sa isang Toyota Corolla Sedan na minamaneho ni Villeta. na noon ay nag-u turn patungo sa Dasmarinas City. Dahil sa tinamong sugat ng.mag live in partner namatay ito habang kasalukuyang inoobserbahan naman ang driver ng Honda
(MARGIE BAUTISTA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Have Missed!

1 Minute
Provincial News
MALINAW NA MATA – BUKAS NA MAY PAG-ASA
0 Minutes
Provincial News
๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ญ ๐—ฉ๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—”๐—š๐—˜ ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ ๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—š๐—จ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ
2 Minutes
Provincial News
๐“ข๐“ฎ๐“ถ๐“ฒ๐“ท๐“ช๐“ป ๐“ช๐“ท๐“ญ ๐“ญ๐“ฒ๐“ผ๐“ฝ๐“ป๐“ฒ๐“ซ๐“พ๐“ฝ๐“ฒ๐“ธ๐“ท ๐“ธ๐“ฏ ๐“ผ๐“พ๐“น๐“น๐“ต๐“ฒ๐“ฎ๐“ผ ๐“ฝ๐“ธ ๐“ซ๐“ช๐“ป๐“ช๐“ท๐“ฐ๐“ช๐”‚ ๐“ฝ๐“ช๐“ท๐“ธ๐“ญ๐“ผ
1 Minute
Provincial News
๐’๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ ๐š๐ง๐ ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐ฉ๐ž๐š๐œ๐ž ๐š๐ง๐ ๐จ๐ซ๐๐ž๐ซ ๐ค๐ข๐ญ๐ฌ ๐ญ๐จ ๐‚๐š๐ซ๐’๐ข๐†๐Œ๐€ ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐“๐š๐ง๐จ๐๐ฌ