MAG-AMA, PATAY SA SAKSAK, 8-ANYOS PA SUGATAN SA PAGSABOG

Isang mag-ama  ang namatay habang sugatan sa pagsabog ang isang 8-anyos na bata na dumaan sa lugar  sa  Brgy Maliksi 1 Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang Namatay na mga biktima na sina alias Ronaldo (anak) habang namatay habang ginagamot sa Southern Tagalog Regional Hospital ang ama nito na si si alias ‘Alfredo’ (tatay) dahil sa saksak sa katawan.

Ginagamot din sa nasabing ospital ang isang 8-anyos na batang lalaki dahil sa tinamong sugat sa katawan bunsod ng pagsabog.

Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na kinilalang si alias ‘Tuyo’ at ‘Harry, at  isa dito ay bayaw/manugang,ng mga biktima   na tumakas matapos ang insidente.

Base sa  ulat ni PMSG Roberto Lacasa ng Bacoor CPS C dakong alas-3:30  ng hapon nang naganap ang insidente sa Brgy maliksi 1 ng nasabing lungsod..

Una dito, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sina Ronald at bayaw nito na si alias ‘Tuyo’ at dahil dito, inabangan ng mga suspek ang pagdaan  sa lugar at pagdaan ng biktima ay walang sabi-sabing pinagsasaksak ito

Nakita naman ito ng ama  si ( Alfredo )ang pangyayari kaya tinangka nitong tumulong sa anak pero pinagsasaksak din siya ni alias ‘Harry’ sa dibdib na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan

Kasunod nito Isang bagay ang itinapon ni alias Ronald na nakita ng Isang 8 taong gulang na bata na nasugatan dahil sa.dumaan kung saan naganap ang pagsabog.

Pawang isinugod sa ospital sina Alfredo at ang 8-anyos na bata subalit namatay din ang una

Nag-ugat ang insidente makaraang nagsumbong ang kapatid na babae ng biktima makaraabg  nagtalo sa asawa nito dahilan upang komprontahin ang bayaw na nagresulta sa pananaksak.

Patuloy ang isinagawang paghahanap sa dalawang suspek  na tumakas matapos ang pananaksak.MARGIE BAUTISTA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *