Lubos na nagpapasalamat si Mayor Jon-Jon Ferrer sa Schools Division Office – City of General Trias sa pagkilalang kanilang iginawad sa inyong lingkod at sa lahat
ng aking mga kasamang lingkod bayan na bububuo sa Team GenTri. Ang parangal pong ito ay magsisilbing inspirasyon po sa amin upang lalong isulong ang pagpapabuti sa sektor ng edukasyon sa ating Lungsod.
Binabati din niya ang mga katuwang natin sa pribadong sektor, gayundin
ang mga magulang na binigyan din ng pagkilala sa isinagawang DIVISION EDUCATION STAKEHOLDERS SUMMIT, dahil sa kanilang malasakit at suporta sa
Kagawaran ng Edukasyon. Let’s Join Forces for Quality Education!