LOLO, TINARAKAN NG SAKSAK
NG KAINUMAN, PATA

Patay ang isang 64-anyos P Lolo nang tarakin ng kanyang kainuman na kapwa niya Lolo rin sa Gen Trias City, Cavite. Namatay ang biktima na si Edgardo Katindoy Japon,ng B35 L12 Gentree Villas Brgy Pasong Kawayan 1,Gen.Trias City, Cavite dahil sa tinamong saksak mula kay Rufino Ochoco Y Doktor, 67, isang construction worker at residente rin sa nasabing lugar. Batay sa ulat ni Corporal Luren Labigan ng Gen Trias City Police, dakong alas-1:00 ng madaling araw nang naganap ang insidente kung saan , dumayo ang biktima upang makipag-inuman sa bahay ng suspek, subalit sa kalagitnaan ng kanilang inuman ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang na humantong sa pananaksak ng suspek Tinangka pa ng suspek na tumakas subalit naabutan siya ng mga rumespondeng kagawad ng BPTS na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto . (MARGIE BAUTISTA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *