LOLA, PATAY HABANG TUMATAWID

Isang 88-anyos na Lola
ang namatay makaraang
makaldkad at magulungan ang katawan nito ng
isang turck habang tumatawid sa kahabaan ng
Aguinaldo Highway Brgy
Talaba 2, Bacoor City,
Cavite.
Nakilala ang biktima
sa tawag na lola β€˜Dionesia’, 88 taong gulang.
Kinilala naman ang
suspek na SI Francismar
Cagado y Curato, 46,driver ng Shaanxi X3000
truck na may palakang
NFU 8066
Ayon sa ulat, dakong
alas-10:00 ng umaga nakahinto umano ang truck
na minamaneho ni Cagado habang naka-stop
light sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy Talaba II, ng nasabing lugar
at nang nag-green light
ay umabante na ang driver hanggang sa nakarinig siya ng mga sigaw kaya
huminto ito at doon niya
nalaman na nakaladkad
ng kanyang minamanehong truck ang biktima
na noon ay tumatawid.
Pinaniniwalaan na
dahil sa katandaan ay
naabutan ng green light
ang biktima habang tu-matawid at hindi na ito
napansin ng driver. Dinala sa Mesina Funeral Homes ang bangkay ng biktima para sa
isasagawang awtopsiya habang ang driver ay in aresto para isasampang kaso.
JIMMY BARRIENTOS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *