SANTA ROSA CITY, LagunaโSa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna at ng Department of Trade and Industry (DTI)-Laguna Provincial Office, ay matagumpay naisinagawaang1stLaguna MSME Summit kamakailan sa Enchanted Kingdom (EK) sa lungsod na ito.
Sa okasyong ito na pinangunahan ni Gobernador Ramil L. Hernandez, katuwang si DTI-Region 4A OIC Regional Director Marissa C. Argente, ay kasabay na inilunsadang Likhang Laguna Product Seal, isang certification program para sa mga produktong gawa sa Laguna.
Ang mga produktong mayroong Likhang Laguna Product Seal ay na ngangahulugang ito ay may mataas na kalidad, ligtas para sa mga mamimili, sustainable, at proudly made in Laguna. Layunin nito na mas masuportahan at maisulong pa ang mga lokal na produkto ng lalawigan at mahikayat ang mga mamimili na tangkilikin ang mga ito.
Naispasalamatan ni Gob. Hernandeza ng DTI sa patuloy na pagsuporta at pagsulong sa mga lokal na produkto at maliliit na negosyo โang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
(Laguna Soc Med, photo by Angel Sapungan/Laguna PIO)