Opisyal nang nilagdaan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Strike Revilla sa pamamagitan ng Housing and Urban Development and Resettlement Department (HUDRD) na pinamumunuan ni Atty. Aimee Neri, ang Deed of Absolute Sale (DOAS) kasama ang Ph1 World Landscapes, Inc. para sa 4PH Salinas Project. Ang seremonya ay ginanap sa Strike Multi-purpose Hall noong Enero 26, 2026.
โAng 4PH Salinas Project ay bubuuin ng apat na residential towers na may tig-500 unit, na magbibigay ng kabuuang 2,000 abot-kayang pabahay para sa mga pamilyang Bacooreรฑo. Ang bawat unit ay may sukat na 24 square meters at lalakipan ng mga modernong amenidad gaya ng multi-purpose hall, court, at dalawang elevator bawat towerโisang “first-world living experience” sa presyong abot-kaya.
โAng mahalagang proyektong ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa inklusibong pag-unlad, upang matiyak na mas maraming pamilya ang magkaroon ng ligtas, disente, at abot-kayang tahanan.
Maraming salamat po sa patuloy na suporta! ![]()
