Nagagalak si Mayor Gemma Lubigan na maging kabahagi sa ginanap na paglulunsad ng e-Vehicle Charging Station ng SM City Trece Martires kasama ang ating mahal na Gov. Jonvic Remulla, mga taga DENR, DOST at CENRO. Ang e-Vehicle charging station ay matatagpuan sa SM Basement Parking malapit sa Driver’s Lounge at ibabahagi ng SM sa kanilang mga kliyente ng libre. Layunin rin nito na mapangalagaan ang ating kalikasan sa pamamagitan ng paggamit ng environment-friendly na sasakyan tulad ng e-vehicle. Kaisa po ninyo ang Pamahalaang Lungsod ng Trece Martires kasama sina Vice Mayor Bobby Montehermoso at ang 11th Sangguniang Panlungsod sa isang maka-kalikasang adhikain na ito. Maraming salamat po Gov. Jonvic Remulla at sa bumubuo ng administrasyon ng SM City Trece Martires. Congratulations din po sa kauna unahang charging station ng SM malls dito sa Cavite! Be blessed, Be a blessing!Bagong Trece,- Puso ng Cavite,Lungsod ng Pag Asa!