Lalaki arestado matapos barilin ng airsoft ang asong humabol sa kanyang e-bike

Isang lalaki sa Naic, Cavite ang inaresto nitong Tuesday,
September 19 matapos
barilin ng Airsoft Gun
ang isang asong humabol umano sa minamaneho nitong Electronic
Bicycle (E-Bike).
Kinilala ng Cavite
Police Provincial Office
(CPPO) ang lalaki na si
Ivan Paul R. De Guzman.
Ayon sa imbestigasyon, nagmamaneho
umano ng E-Bike si De
Guzman nang habulin
siya ng aso. Maya-maya ay binalikan raw ng
suspect ang lugar kung
saan siya hinabol ng aso
na may dala-dalang airsoft gun at tsaka binaril
ang aso.
Agad naman rumesponde ang mga tauhan
ng Barangay at humingi
ng tulong sa Naic Municipal Police Station
(MPS). Narecover mula
kay De Guzman ang
black air gun pistol an
may nakalamang 22 pellets.
Ayon sa report, nabuhay naman raw ang naturang aso ngunit nagtamo ito ng mga pulang
marka sa balat. Kasunod
na rin ng kasalukuyang
BSKE Gun Ban na siya
ring nagbabawal sa paggamit ng airsoft guns, inaresto na si De Guzman
at nasa ilalim na ngayon
ng kustodiya ng mga pulis. (GOCAVITE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *