STA. CRUZ, Laguna – Sa pagsusulong ni Gobernador Ramil Hernandez at Congresswoman Ruth Hernandez ng programa sa kabuhayan at trabaho para sa maraming Lagunense, ay nagpapatuloy din ang programa ng Laguna Provincial Public Employment Service Office (PPESO) kaya naman isinagawa ang Capability Development Seminar for Barangay Employment Services Unit (BESU).
May temang “Developing Sustainable Community-Based Initiatives to Counter Trafficking In Persons (CTIP) in Region IV-A,”ang pagsasanay ay isinagawa upang mapaunlad at lumawak pa ang kakayahan at kaalaman ng mga BESU upang mas mapahusay ang paglilingkod sa kani-kanilang komunidad.
Naging tagapag-salita ditto sina G. Eugene Gonzales ng Partnership for Development in the Philippines (PDAP), Department of Migrant Workers (DMW) Usec. Atty. Anthea Rose Nepomuceno, Bb. Janelle Agudo ng OWWA-4A, Bb. Riza Flores ng Ople Center, at G. Randy Bacong.
Katuwang ng PESO angAtikha Overseas Workers and Communities Initiative, Inc. Sa programa na suportado ng United States Agency for International Development-USAID, sa pamamagitan ng STRENGTH CTIP Cooperative Development.
Isinagawa noong Mayo 24-26, 2023 sa Laguna Cultural Center, nakibahagi sa seminar ang apat na pu’t-isang (41) kinatawan ng BESU mula sa pitong munisipalidad sa lalawigan. (J. Coroza, photo by PIO/Laguna PIO)