LA, nagpa-inspire savideo ng SMC,hangad na makabalik sa paglalaro sa Oktubre

Kahit nagpapagamot pa sa sakit na
kanser ni LA Tenorio, (nagpupunta
kada dalawang linggo sa Singapore K para sa chemotherapy, ay may panahon pa rin ang Ginebra San Miguel guard para sa iabng proyekto maliban sa basketball.
Makikita si LA bilang host ng bagong vlog na
Sa’n Si Miguel na hangad na maipakita sa madla ang
iba’t ibang proyekto ng San Miguel sa buong bansa.
“Gusto ko rin makatulong na ma-promote yung
mga magandang proyekto at investments ng San Miguel sa buong bansa, at least sa mga fans na nag-follow sa akin. Sa mga hindi nakakaalam ay hindi lang
inumin at pagkain ang ginagawa ng San Miguel
ngunit pati na rin ang mga tollways at yung airport
sa Bulacan. Marami rin ginagawa na agro-industrial
complexes hindi lang investment ang madadala sa
bawat bayan kundi magbibigay ng hanapbuhay sa
maraming Pilipino.” Tenorio said.
Dagdag pa ni LA: “Mahalaga na malaman ng mga
Pilipino na maliban sa pagpapasaya sa mga tao sa
pamamagitan ng basketball ay may importanteng
mga bagay na ginagawa ang San Miguel at si Boss
RSA para mas mapabuti ang buhay nila.“
Tulad ng ibang personalidad, mas lalong naging
aktibo si LA sa sa social media nung kasagsagan ng
COVID-19 pandemic kung kalian maraming tao ang
nanatili sa kani-kanilang mga bahay at nakatutok sa
mobile phones at iba pang mga gadgets.
Sa kasalukuyan ay may accounts si LA sa Facebook (190,000 followers), Instagram (268,392 followers), Twitter (156,136 followers), at Youtube
(26,100 followers).
Ito ay sapat para sabihih na isa siya sa mga atletang sinusundan sa bansa at sa Philippine Basketball
Association. Ayon kay Tenorio, kasama sa responsibilidad ng isang atleta ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga fans.

“Malaking bagay rin ang social media dahil
paraan rin yun para magcommunicate sa mga fans,
at kahit papaano ay makapag-impart tayo ng mga insights sa kung anu-anong bagay lalung-lalo na tungkol sa sports.” Ang pagsuporta sa “Sa’n Si Miguel”
ay isang paraan rin para makapakita ang kanyang
pagpapasalamat kay SMC President and CEO Ramon
S. Ang sa kanyang suporta sa kanyang karamdaman.
“Malaki ang pasasalamat ko sa suporta ni Boss
RSA nung paglipat ko sa Ginebra mga sampung taon
na ang nakakalipas, at ito ay isa sa pinakamagandang nangyari sa basketball career ko, “ani LA.
“Sa simula pa lang andyan si Boss RSA at si Boss
Al Chua na tumulong sa akin at palagi nila akong
tsinitsek kung okay ako at sinasabihan na huwag
mag-alala ay magfocus lang sa pagpapagaling. Sa
ngayon ay tinutulungan ko yung team as assistant
coach at nagfofocus sa pagbibigay ng pointers sa
mga players namin sa practice, “dagdag pa niya.
Di na makapaghintay si LA na matapos ang
kanyang pagpapagamot upang makapaghanda na sa
pagbabalik nya sa PBA.
“Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang pagpapagamot
ko. Every two weeks ako pumupunta doon para sa
sessions ko. Matagal pang proseso ito pero positive
ako dahil so far maganda ang mga feedback ng mga
doktor at syempre patuloy ang pagdarasal natin sa
Diyos na mas bumilis pa ang paggaling ko. Basta
naman andyan ang suporta at dasal ng pamilya, mga
kaibigan, Ginebra fans at San Miguel family ay laban
tayo.”(jerry guina)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *