Nagsimula na ang konstruksyon ng 12-storey building sa Cavite State University-Bacoor City Campus, Barangay Molino 3, sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kasama sa groundbreaking ceremony ang Cavite State University Research and Extension vice-president Dr Melbourne Talactac at DPWH Region IV-assistant regional director Isidro O. Encarnacion, at iba pa.
Balak ng proyekto na mag-provide ng mga pasilidad para sa mga estudyante at staff ng Cavite State University upang pagandahin ang kalidad ng edukasyon sa lugar.
May total area na 40,000m² ang building na balak i-accomodate ang dumadaming bilang ng mga magaaral sa unibersidad.
Mayroon itong basement, recreational facilities, at isang school terminal, maging iba’t iba pang pasilidad para sa academic at extracurricular activities. (GO CAVITE)