Ang tuloy tuloy na kampanya para sa programang “Chikiting Ligtas” ng butihing Mayor Jenny Austria Barzaga. Ito ang Measles-Rubella at Oral Polio Vaccine, Supplementary Immunization Activity (MR-OPVSIA ) sa pangunguna ni DOH CHD-4A Director Ariel I. Valencia katuwang sina Provincial DOH office Management officer Sir Manny Hermoso at CHO IV-OIC Dr. Daisy Lyn Predilla-Alvarez. Isa ang lugar ng Brgy Paliparan 3 sa sinasagawang pagbabahay bahay upang mabakunahan ang mga bata at maging ligtas sa mga karamdaman. Makikita sa larawan mismo ang butihing mayor ang siyang nagbakuna sa isa sa mga batang naroon. (DasmaCIO/ Jerry Guina)
Kampanya para sa programang “Chikiting Ligtas”
