KADIWA NG PANGULO – PAMIMIGAY NG FINANCIAL ASSISTANCE SA MGA BACOOREÑO

Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A, City Social Welfare and Development (CSWD), at Team Revilla, ay matagumpay na nag-organisa ng “Kadiwa ng Pangulo” na ginanap sa Mainsquare Molino.

Layunin ng inisyatibong ito na magbigay ng pinansiyal na tulong sa 2,500 benepisyaryo mula sa Lungsod ng Bacoor.

Ang Kadiwa ng Pangulo ay dinaluhan nina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, ABC Vice President Randy Francisco at Ms. Khei Sanchez ng LEDIPO.

Ang mahalagang suportang ito ay nagmula sa Opisina ng Pangulong Bongbong Marcos, na nagpapatunay sa dedikasyon ng pambansang pamahalaan sa pagtulong sa mga komunidad na higit ang mga pangangailangan.

Nagbigay din ng mahahalagang mensahe at paalala patungkol sa Kaligtasan sa Sunog ang BFP Bacoor upang matiyak na ang komunidad ay mananatiling mapagbantay at handa sa oras ng sakuna.

Nagbigay din si Ms. Rosemarie Deleon mula sa tanggapan ng Bacoor Disaster Risk Reduction Management Office o BDRRMO ng makabuluhang talakayan tungkol sa kahandaan sa sakuna, kamalayan sa La Niña, at mga mahalagang ordinansa ng lungsod ng Bacoor. Ang mga ibinaging paalala ay mahalaga sa pagpapalawak at paghanda ng isang maalam at matatag na komunidad lalo na sa mga panahon ng kalamidad.

Ang programang ito ay isang makabuluhang hakbang patungo sa suporta at pakikilahok ng komunidad, na nagpapalakas ng kolaboratibong pagsisikap ng mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan at mga organisasyon sa pagpapabuti ng kapakanan ng mga mamamayan ng Bacoor.

#Str1keAsOne#bacoorupdate#CityGovtOfBacoor#StrikeSaSerbisyo#StrikeAsOne#SaBacoorAtHomeKaDito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *