Ganap nang batas ang Republic Act 11997 o ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” na ipinanukala ni Senator Ramon Bong Revilla, Jr. matapos itong lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr nitong ika-3 ng Hunyo.
Pinuri ng mga Senador si PBBM sa pagpasa ng batas na naglalayong magdagdag ng allowance ng mga public school Teacher mula โฑ5,000 to โฑ10,000 simula sa taong panuruan 2025-2026.
“I’m truly overwhelmed when I learned that my Kabalikat sa Pagtuturo Act has been approved by President Ferdinand โBongbong’ Marcos Jr. And I’m grateful, Sir, for your approval of my bill,” saad ni Senador Revilla.
Sa batas na ito mas kinikilala ang sipag at dedikasyon ng mga kaguruan sa pampublikong paaralan sa pamamagitan ng
pag-institutionalize at pagtaas ng kanilang taunang allowance sa pagtuturo.
Source: Philippine News Agency