Pormal nang ibinahagi ng aktor at Incumbent Cavite 1st District Representative Jolo Revilla ang kanyang muling pagtakbo bilang Congressman.
Kabilang siya sa ilalim ng Partidong Lakas-Christian Muslim Democrats. Ito na umano ang ikalawang termino ni Revilla sakaling palarin siyang muling mahalal bilang Congressman.